Ang mga sumusunod ay ang mga programa ni Mayor Lito Atienza para sa Maynila.
1. EKONOMIYA- TRABAHO, NEGOSYO AT HANAPBUHAY PARA SA LAHAT
2. PROGRAMANG PABAHAY
3. PROGRAMANG PANGKALUSUGAN
4. PROGRAMANG PANGKATAHIMIKAN
5. PROGRAMANG PANG-EDUKASYON
6. PROGRAMANG PANGKALAKASAN
7. PROGRAMANG ARTS AND CULTURE
8. PROGRAMANG PANG-KALIKASAN
9. PROGRAMANG PANG-SENIOR CITIZENS
EKONOMIYA- TRABAHO, NEGOSYO AT HANAPBUHAY PARA SA LAHAT
Kahirapan ang pinaka mabigat na problema na hinaharap ng ating lipunan, subalit dapat tulungan ang mga mahihirap namaging self-reliant at hindi pala asa sa limos o doleout. Together, we can improve the quality of life of the people of Manila, at matulungan ang maliliit sa pamamagitan ng mga sumusunod:
1. Pagbibigay ng lisensya sa mga pedicab at tricycle drivers.- With this program, mabibigyan natin silang proteksyon mula sa pang-aabuso. Mawawala ang illegal na “tong collection” sa mga lansangan; hahayaan kongmakapag negosyo ang maliliit na negosyante na ng malaya at walang kinatatakutan.
2. Organized Vending-Muli nating aayusin ang mga lugar kung saan makapagtitinda nang maayos ang mga vendor para magingkaaya-aya ito sa mga mamimili.
3. Kooperatiba para sa mahihirap- Bubuksan ito paralamang sa maliliit na negosyante- –mga vendor, drivers, at iba pang ordinary workers. Dito, ang mga miyembro ay makakautang ng salapi na maari nilang magamit sa kanilang hanapbuhay.
4. Pangkabuhayan : Pagtatanim ng herbal plants-We can encourage the people na magtanim nito kung ito’y gagawin nating parang maliit na negosyo. Ang bawat barangay ay makikibahagi sa proyektong ito: ang harvest nila—gaya ng lagundi, oregano, aloe vera, malunggay at tanglad—ay bibilhin ng local na pamahalaan at ibebenta sa mga korporasyon na gumagamit nito. Sa buong mundo, ang demand sa mga nasabing herbal plants ay patuloy na lumalaki.
5. Skills and Livelihood Training-Magkakaroon tayo ng mga short courses tulad ng celphone repair, restaurant and hotel services, haircutting, reflexology, dress making at iba pa.
6. Pera sa Basura-Magtuturo tayo ng tamang paraan ng paggawa ng uling mula sa basura.
Gagawin natin ang lahat ng ating makakaya upang matulungan lalo na ang mga mamamayang kulang sa oppurtunidad.
PROGRAMANG PABAHAY
Bubuhayin nating muli ang ating programang pabahay at palupa, kung saan libo-libong tagalungsod ang makinabang. Kung ipinatalo ng kasalukuyang alkalde ang 42 kaso na magbibigay sana ng lupa sa mahihirap, ipinangangako kong muli nating bubuhayin ang mga kasong ito at ipaglalaban upang mapunta sa mahihirap ang mga lupaing ito.
Sa tulong ng Gawad Kalinga at Habitat for Humanity, libu-libong bahay ang aming naitayo noon sa Baseco, isang reclaimed area sa Maynilana may 50 hektarya ang laki. Nais ko ring gawin ito sa iba pang lugar na gaya ng Isla Putting Bato, Parola 1 at 2, at iba pa.
We will also continue the affordable housing program for the “middle class,” gaya ng naitayo nang Nagtahan Housing at UN Gardens.
PROGRAMANG PANGKALUSUGAN
Hospitals are for people. The present mayor boasts that he has built several new hospitals. Subalit aanhin natin ang mga ospital kung wala naming doktor, equipment o gamut na ibinibigay sa may sakit? Noon, 50 million pesos ang budget ng city government para lamang sa mga gamot. Dadagdagan pa natin ito upang ang mga ospital sa ating lungsod ay tunay na makapagbigay ng serbisyo sa mga tao.
Itutuloy din natin ang programang “Sama sa Masa” kung saan ang mga duktor ang bumababa sa bawat barangay upang mabigay ng free check up at mga gamot sa mga taga-lungsod. Mayroon din tayong libreng salamin, pustiso at operasyon sa mga may katarata.
PROGRAMANG PANGKATAHIMIKAN
Nang panahon ko bilang alkalde, bumaba ang level ng krimen sa Maynila. Muli na naman itong tumaas sa kasalukuyang lokal na pamahalaan. Ang droga ang pinakamalaking problema sa Maynila ngayon. Seventy percent ng mga krimen ay drug-related. Paano maaayos ang problemang ito, kung ang anak mismo ng kasalukuyang alkalde, si Manny Lim ay nahuli ng PDEA nung 2008, ay kasama sa problema? Sa loob mismo ng City Hall ng Maynila piñata ang alkalde ng Tarlac noong 2007. Paano maipatutupad ng administrasyong ito ang peace and order sa lungsod kung ang sarili niyang tahanan at opisina ay di niya kayang linisin?
We want Manila to be one of the “safest places” in the entire country, kung saan ang ating mga tao, matanda man o bata, ay nabubuhay nang walang takot at di nanganganib sa kanilang kaligtasan. Nagawa na nating pababain ang krimen noon. Mapapababa pa natin ito muli.
PROGRAMANG PANG-EDUKASYON
It has been said often enough, and proven, that education is one of the most vital keys to reducing poverty. Pinagpahalagahan natin ito kaya’t inalagaan natin ang ating mga public schools. Tumulong tayo sa mga mag-aaral sapamamagitan ng libreng edukasyon, school bags, notebooks at patinarin ang sapatos. Pinalakas at pinaganda natin ang Unibersidad de Manila at ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.
Nagkaroon din tayo, at ating ibabalik, ang “non-formal education” kung saan ang mga di nakapagtapos na mga nanay, tatay at out of school youth can complete their degree in a short time. Nagkaroon din tayo ng mga vocational at technical courses for high school students kung saan makapaghahanap buhay na sila matapos ang mga kursong ito. Isasailalim natin ito sa programang “Alternative Education”.
Ipagpapatuloy pa rin natin ang pagbibigay ng scholarships para sa mahihirap. Ginawa na natin ito. Hayaan ninyong ipagpatuloy natin ito.
PROGRAMANG PANGKALAKASAN
Nagkaroon na tayo noon ng taunang “Manila Youth Games” kung saan ang mga kabataan ay binigyan ng opportunities to train and compete saiba’t ibang larangan ng sports. Palalawakin at pagbubutihin pa natin ito.
Susuportahan ko ang mga maliliit namanlalaro, gaya ng suportang na ibigay ko kay Manny Pacquiao. Nais kong makita ang ating kabataan na gaya ni Pacquiao ay maging “world class” na manlalaro din.
PROGRAMANG ARTS AND CULTURE
Sa pamamagitan ng Hiyas ng Maynila Dance Company at ng Hiyas ng Maynila Childrens Choir naitinatag ko noong ako’y alkalde pa, magtataguyod tayo ng higit pang maraming mga kabataan sa iba’tibang performing arts. Gaya ng dati, ang mga kabataang ito ay tatanggap ng allowance habang nagte-training sa pagsayaw at pagkanta. Naniniwala akong ang Pilipino, lalo na ang mga taga-Maynila, ay may likas na magaling sa pag-awit at pag-sayaw. Ang ating mga scholars ay hinuhubog ng pinakamagaling na mananayaw na sina Eddie Elejar at Luther Perez, at mang-aawit na si Lemuel dela Cruz.
PROGRAMANG PANG-KALIKASAN
Hindi tayo titigil hanggang hindi natin nababawi ang pinirmahan ng kasalukuyang alkalde kung saan ang Oil Depot sa Pandacan was allowed to stay on without conditions, sa kabila ng panganib na dulot nito sa public safety at kalikasan. Matagal kong ipinaglaban na sila ay mapatalsik sa pagkat naiintidihan ko ang maaaring mangyari sa buong lungsod sakaling pasabugin ng mga terorista, o magkaroon ng aksidente, ang oil depot. Di ito papayagan ng kahit na sinong matinong gobyerno. Alam kong hindi madaling lumaban sa malalaking negosyanteng ito, but we will do it and we will not stop hanggang hindi natin napapaalis ang Oil Depot sa Pandacan. Ito ay isang pangako. Kapag napaalis nanatin ang oil depot, we will develop this place para tunay na pakinabangan ng buong Maynila.
Ipagpapatuloy ko ring linisin ang Pasig River, Manila Bay at mga estero sa buong Kamaynilaan.
Itutuloy natin at palalawakin ang tree-planting sa lahat ng mga strategic places.
PROGRAMANG PANG-SENIOR CITIZENS
Noong mid-seventies, itinatag ko ang samahang “Mahal Ko si Lolo, Mahal Ko si Lola” kung saan ang ating mga nakatatanda ay nakakuha ng mga special services and discounts. Ang advocacy na ito ay lumawak na, at nagging batas pa sa buong bansa. Kelan lamang ay pinirmahan pa ang expanded na version nito. Sa Manila, patutunayan nating ang lungsod na ito ang tunay na nagkakalinga sa mga elderly. Dadagdagan natin ang centers for old people na puntahan ng ating mga lolo at lola upang makapaglibang sa paglalaro ng chess, ballroom dancing, gateball, at iba pa.
Palalawakin pa natinang programang ito upang sila ay makakuha pa ng iba’t-ibang benepisyo gaya ng libreng panonood ng sine, libreng check up at gamot; pati narin ang programang pagbigay ng hanapbuhay sa mga retirees na nais pang magtrabaho o mag-volunteer work sa barangay.