By: Marvin Balute
Source: Bandera
Published: 3-12-2010
Panayam ng Bandera kay Lito Atienza
Si Lito Atienza, 59, ay ipinanganak sa San Andres Bukid noong Agosto 10, 1941.
Bago naging Secretary ng Environment and Natural Resources, natapos ni Atienza ang tatlong termino bilang mayor ng Maynila. Ngayong darating na halalan ay sasabak muli siya sa pagkamayor ng lungsod. Iboboto ba siya ng Manileño?
BANDERA: Ano ang dahilan kung bakit nais ninyong maging mayor ng Maynila?
Lito Atienza: Kailangan ng programang pangkabuhayan para sa mga Manileño kaya muli akong tatakbo. Noong panahon ko ay mayroon tayong itinulak na “buhayin ang Maynila” which helped the city.
Ano ang tatlong dahilan kung bakit kayo ang dapat iboto ng mamamayan ng inyong syudad? may massive housing program kami at land for the landlesspeace and order. Manila became most peaceful dati-rati. Number one kami sa peace and order pero nawala na. Laganap ngayon ang krimen. Graft and corruption ay dapat lutasin.
Kung sakaling kayo ay mahalal ano ang tatlong bagay na inyong gagawin sa unang 100 araw ninyo sa puwesto? (Hindi lang tatlo ang tinukoy)Ipagpatuloy ang kampanya laban sa droga. Wala kaming naki-kitang drug campaign in Manila sa ngayon kaya ipagpapatuloy ko ang kampanya laban sa droga. Babawiin ang Century Park Tanggalin ang oil depot at ilipat sa isang lugar na malayo sa pamayanan at ilipat sa malapit sa dagat. Hindi totoong maraming nakatira sa Pandacan ang nagtatrabaho sa oil depot, karamihan sa mga empleyado sa oil depot ay hindi taga-Pandacan. Kapag naalis na natin ang oil depot ay papasukin na ng mga negosyante yan dahil papagandahin natin yan. Magtatatag ako ng malawakang urban poor affairs and poverty alleviation office. Diyan natin ilalagay ang programa lahat ng usapin sa pagtulong sa mahihirap. Tatanggalin ang “kamag-anak incorporated”.
I-rank mula sa pinaka importante hanggang sa least important ang mga sumusunod na problema ng Maynila — squatters, garbage, peace and order, drugs, illegal gambling; at bakit? Hindi inaayos ng isa-isa yan kundi sabay-sabay na asikasuhin. Peace and order, drugs, pabahay lahat yan dapat asikasuhin at ayusin. Ang bottom line niyan ay ekonomiya, kung maayos ang ekonomiya ay walang kahirapan.
Pinaka malaking problema ng Maynila, paano ito sosolusyunan? Kailangan palusugin ang ekonomiya. Kapag may trabaho, negosyo ang tao, ang gobyerno ay mayroong maayos na koleksyon at marami kang maibibgay para sa mga mamamayan. Babaguhin ko ang pananaw ng mga tao hinggil sa “kotong” at dapat walang kotong. Peace and order pa rin laban sa krimen, drug addict at drug pusher.
Ano ang tatlong bagay na meron ka at wala ang kalaban mo? Experience in management, 9 years continued service. Naging Cabinet member tayo ng isang pinakamalaking kagawaran ng ating gobyerno national. Vision pa rin natin na buhayin ang Maynila which is to fight poverty. Yung dalawang kalaban natin (Lim at Avelino Razon) ay parehong pulis palagay ko naman ay deperensya ng pulis mentality at civilian ay fundamental and basic.
Ano rin naman ang tatlong bagay na meron ang kalaban mo na wala ka? Mga pangalan nila (laughs). Wala akong nakikitang kaibahan nila. Actually, I think they are the same sa kanilang kakayahan.
Malaki ang problema ng Maynila sa abortion, paano ninyo ito sosolusyunan? Yan ang nilalabanan namin. The most heinous crime that a man can commit is abortion, ang pinapatay mo diyan ay ang pinakainosenteng buhay ng tao, ang sanggol. Patuloy kaming magbibigay ng edukasyon sa mga tao na huwag maging iresponsable. Ipagpapatuloy ko ang “responsible parenthood” at proper values. Ang abortion kasi ay galing sa irresponsible parenthood.
Ano ang posisyon nyo sa RH bill? Kontra ako sa RH bill dahil maling solusyon yan sa isang problema ng bayan. Hindi solusyon ang magbawas ng tao, hindi pa ba tayo natuto na ang China ay pinakamaraming tao pero sila ay maunlad na bansa. Mag-kontrol ka pero gamitin mo yung natural na paraan. Mali yung katulad ngayon na nagkakalat ang “condom” sa Avenida Rizal, para nilang sinabi sa mga kabataan na gawin ninyo ang gusto ninyong gawin basta gumamit kayo ng condom mali iyon.
Anong lifestyle meron si Atienza?
BANDERA: Ilang bahay meron po kayo? Dalawang bahay yung isa town house sa Ecoville.
Sa bahay na tinutuluyan ninyo ngayon, ilang silid meron ito? Dalawa at doon natutulog ang dalawa na-ming ampon dahil yung mga anak ko ay may mga pamilya na at may sarili na rin silang bahay.
Ilan ang cr? Dalawa
Ilan ang kasambahay? Tatlo, yung isa naka-focus sa dalawang ampon namin.
Ilang sasakyan meron kayo? Ang naka-rehistro sa akin ay yung ibinigay ni Manny Pacquiao na Toyota Land Cruiser. Yung ibang sasakyan ay sa mga anak ko.
Ilan ang driver? Isa lang.
Magkano ang ilalabas ninyong pera sa eleksyong ito?
Lito Atienza: Wala pang exact figure ng expenses, pagkatapos ng election saka natin malalaman yan. Galing lang sa mga tunay na kaibigan ang tumutulong.
Maaari ba naming malaman kung sino ang top 3 fund contributors ninyo? Puro long time friends ang tumutulong sa aten.

No comments:
Post a Comment